Mga Serbisyo sa Pagnenegosyo, Ilalapit ng BPLO Angat sa MJSB sa Barangay Sulucan Ngayong Setyembre 11
Muling maghahatid ng direktang serbisyo ang Business Permits & Licensing Office (BPLO Angat) sa pamamagitan ng paglahok sa gaganaping Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) ngayong Biyernes, Setyembre 11, 2026.
Isasagawa ang aktibidad mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Antonio C. Cruz Elementary School na matatagpuan sa Barangay Sulucan, Angat, Bulacan.
Inaanyayahan ng BPLO ang mga mamamayan at mga nagnanais magnegosyo na bisitahin ang kanilang nakatalagang booth upang avail-an ang mga sumusunod na serbisyo:
Rehistrasyon para sa mga nagnanais maging merchants sa nalalapit na Foodpark 2026
Pagtulong sa pagkuha ng pandagdag-puhunan para sa mga kasalukuyang micro and small enterprises
Pag-alalay sa mga naghahanap ng kapital o pampuhunan para sa bagong negosyo
Konsultasyon para sa iba't ibang usapin, permiso, at katanungan tungkol sa umiiral na negosyo
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaang bayan upang ilapit ang mga pampublikong serbisyo sa bawat barangay at palakasin ang lokal na ekonomiya ng Angat.










Comments