Angat NHS, Binagbag NHS, at St. Joseph Kalinangan, Nagwagi sa JurisQuest 2026 Debates

Pormal nang inihayag ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat) ang mga nagwaging paaralan at indibidwal sa katatapos lamang na JurisQuest: The Interschool Debate, na idinaos bilang bahagi ng pagdiriwang ng Boys' and Girls' Week 2026.
Sa ilalim ng temang "Voices for Good Governance," nagpamalas ng husay sa pakikipagdebate, pambihirang kaalaman, at paninindigan ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Angat.

Narito ang opisyal na talaan ng mga nagwagi sa bawat kategorya:
Unang Debate (Paksa: Revised DepEd Guidelines)
Winning Team: Angat National High School
Best Speaker: Cedrick Jayce Del Rosario (Angat National High School)
Ikalawang Debate (Paksa: Parliamentary Shift)
Winning Team: Binagbag National High School
Best Speaker: Christine Joy Feliciano (Binagbag National High School)
Ikatlong Debate (Paksa: Pax Silica)
Winning Team: St. Joseph Kalinangan Integrated School
Best Speaker: Erica Villanueva (Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School)
Pinasalamatan at pinuri ng LYDC Angat ang lahat ng mga nakiisang debater at paaralan sa pagpapakita ng matapang at matalinong pakikilahok na nagpapatunay sa mahalagang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng responsableng pamamahala at makabuluhang diskurso sa komunidad.









Comments