Trabaho sa Angat: Homecity Sta. Cruz, Naghahanap ng Sales Assistants at Office Staff

Nag-anunsyo ng mga bagong fultime job openings ang Public Employment Service Office (PESO Angat) katuwang ang Homecity para sa mga mamamayang naghahanap ng mapapasukang trabaho sa bayan.
Ang mga matatanggap na aplikante ay maitatalaga sa sangay ng Homecity na matatagpuan sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan.
Kabilang sa mga bakanteng posisyon ang mga sumusunod:
Sales Assistant (2 Bakante): Bukas para sa mga nakatapos ng Senior High School. Tumatanggap man ng may karanasan o kahit walang pa karanasan (fresh beginners). Kinakailangang may magandang pakikitungo sa customer, maayos magtrabaho, at may interes na matuto.
Office Staff (1 Bakante): Bukas para sa nakatapos ng 2-year Vocational Course o 4-year College Course. Kinakailangang marunong sa paggamit ng kompyuter (tulad ng MS Word at MS Excel). Isang malaking bentaha kung may nauna nang karanasan sa parehong trabaho.

Para sa mga interesadong aplikante, narito ang mga hakbang sa pag-aapply:
Ihanda ang updated na Resume o CV.
Magrehistro sa online registration form: https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8.
Ipadala ang Resume/CV sa opisyal na email ng PESO: pesohiringangat@gmail.com gamit ang subject format na Applicant for Homecity - (Position).
Hinihikayat ng PESO Angat ang mga kwalipikadong residente na magpasa agad ng application upang mapabilang sa mga ipoproseso para sa panayam at hiring.









Comments