'Effective Institutions for Good Governance', tinalakay ng LYDC Angat at Office of Rep. Chel Diokno

Mas pinalalim ng mga kabataang Angatenyo ang kanilang pag-unawa sa kahulugan ng tapat at epektibong pamamahala sa ginanap na talakayang "Effective Institutions for Good Governance," na pinangunahan ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Boys' and Girls' Week 2026.
Naging pangunahing tagapagsalita sa naturang aktibidad si Atty. Miguel Jose T. Angeles, Chief Legislative Officer mula sa Office of Representative Jose Manuel Tadeo "Chel" Diokno. Sa kanyang pagbabahagi, binigyang-diin niya ang konseptong PARI (Participatory, Accountable, Responsive, and Inclusive) bilang apat na pangunahing haligi at pamantayan sa pagsusulong ng matapat na institusyon at pamumuno.

Tinalakay rin sa oryentasyon ang mga kasalukuyang hamon sa lipunan tulad ng vote-buying at korapsyon, pati na rin ang paggamit ng batas upang tugunan ang mga ito. Binigyang-diin ng LYDC Angat na ang kabataan ay hindi lamang naghihintay sa hinaharap, kundi aktibong bahagi ng kasalukuyan na may pananagutang maging mapanuri, magtanong, at makilahok sa mga usaping pambayan.









Comments