top of page
bg tab.png

Nanakaw na Gamit sa Motorsiklo sa Tapat ng Bagong Munisipyo, Iniimbestigahan Na

2 days ago
1 min read

Umapela sa publiko ang pamahalaang bayan ukol sa nangyaring insidente ng pagnanakaw mula sa compartment ng isang nakaparadang motorsiklo sa tapat mismo ng Bagong Munisipyo bandang 7:00 ng gabi.


Batay sa nakuhang CCTV footage, huling nakita ang isang 'di pa nakikilalang indibidwal na pinaniniwalaang kumuha ng mga gamit sa loob ng motorsiklo.


Mariing kinondena ang naturang kaganapan, lalo’t nangyari ito sa mismong bisinidad ng Bahay Pamahalaan kung saan inaasahan ang kaligtasan ng mga mamamayan at ng kanilang mga ari-arian.


Naghahandog ng karampatang pabuya ang lokal na pamahalaan para sa sinumang makapagbibigay ng beripikadong impormasyon na makatutulong sa pagkakakilanlan ng suspek at sa mabilis na pagresolba ng kaso.


Samantala, nakiusap naman ang mga awtoridad sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling paratang o panghuhula sa social media. Hinihimok ang sinumang may hawak na impormasyon na direktang makipag-ugnayan sa pambansang pulisya o sa mga kinauukulang tanggapan ng LGU upang maayos at mabilis na maimbestigahan ang insidente.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page