top of page
bg tab.png

'Relevance and Future of Sangguniang Kabataan,' Tinalakay sa Ikalawang Araw ng Boys' and Girls' Week 2026

Sep 9
1 min read

Binigyang-diin ang papel at pananagutan ng mga kabataang lider sa ginanap na talakayang "Relevance and Future of Sangguniang Kabataan" ngayong ikalawang araw ng Boys’ and Girls’ Week 2026, na inorganisa ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat).


Naging pangunahing tagapagsalita sa aktibidad si Mr. Joaquin H. Buenaflor, National Convenor ng Youth RAGE Against Corruption at miyembro ng Kabataan Partylist.



Sa naturang talakayan, binigyang-linaw ang iba't ibang mekanismo ng pamahalaan at ang mga konkretong paraan kung paano makikilahok ang kabataan sa mga usaping pambayan.


Binigyang-diin ng LYDC Angat na ang pagiging aktibong kabataan ay hindi lamang nagtatapos sa pagkakaroon ng opinyon o boses, kundi nangangailangan din ng sapat na kaalaman, paninindigan, at pananagutan sa bawat pahayag at pagkilos.


Hinihikayat ng LYDC ang mga kabataang Angatenyo na maging mulat, mapanuri, at aktibong makilahok sa lokal na pamamahala upang maging katuwang sa pagbuo ng mas maayos at tapat na komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page