top of page
bg tab.png

Paghubog sa Susunod na Lider: Kabataang Angateño, Sumabak Na sa Paglilingkod-Bayan

4 hours ago
1 min read

Pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang pagdiriwang ng Boys' and Girls' Week 2026 na may temang "Voices for Good Governance."


Pinangunahan ang programa ng Angat Local Youth Development Office at Angat SK Federation sa pamumuno ni Mary Grace Evangelista, katuwang ang mga organisasyong pangkabataan tulad ng Jowable Youth, Partners for Change, PCY Sta. Monica, 4H Club, at Rotaract Club of Angat.


Naging pangunahing panauhing tagapagsalita si Mary Grace P. Dumlao, na kumatawan kay Senador Kiko Pangilinan. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at responsableng pamumuno.



Nag-iwan din ng mahahalagang aral at inspirasyon ang mga pinuno ng bayan na sina Konsehal Wowie Santiago, Vice Mayor Arvin Agustin, at Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista.


Matapos ang opisyal na programa, pormal nang tinanggap ng mga piling mag-aaral mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong paaralan ang kani-kanilang itinalagang tanggapan. Sa pamamagitan nito, personal nilang mararanasan ang mga tungkulin, hamon, at responsibilidad ng isang tunay na lingkod-bayan sa kabuuan ng pagdiriwang.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page