top of page
bg tab.png

Nutrition Office, Ipinagpatuloy ang Pagtutok sa 'First 1000 Days' ng mga Sanggol sa Apat na Barangay

Sep 12
1 min read

Ipinagpatuloy ng Municipal Nutrition Office ang pagpapalaganap ng kaalaman sa nutrisyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Breastfeeding Awareness Month Information Education Campaign (IEC) noong ika-27 ng Agosto 2026 sa mga Barangay ng Binagbag, Baybay, Banaban, at Sta. Lucia.


Bitbit ang temang "Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthening What Works," binigyang-diin sa oryentasyon ang kahalagahan ng pagpapadedeng-ina para sa kalusugan ng mga ina at sa maayos na paglaki ng kanilang mga anak.



Kasabay ng kampanya, opisyal ding inilunsad sa apat na barangay ang Dietary Supplementation para sa mga buntis, partikular ang mga kinilalang nutritionally at-risk pregnant women. Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa tinatawag na "First 1000 Days" ng sanggol upang masiguro ang sapat na nutrisyon mula sa sinapupunan.


Layunin ng Nutrition Office na magkaroon ng sapat na kamalayan ang bawat pamilyang Angateño upang makagawa ng mga tamang desisyon para sa pagbuo ng mas malusog at masiglang komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page