PNP Angat, Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Barangay Encanto

Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station ngayong Setyembre 12, 2026, simula bandang 5:38 ng hapon sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan.
Ang naturang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno at superbisyon ni Police Major Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng PNP Angat.
Layunin ng patuloy na pagpapatrolya at paglalagay ng checkpoint na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, pigilan ang anumang uri ng kriminalidad, at tiyakin ang kaligtasan ng pampubliko. Ayon sa PNP Angat, ang aktibong presensya ng mga pulis sa mga kalsada at barangay ay nakatutulong upang mapigilan ang paggawa ng krimen at mapalakas ang tiwala at pakiramdam ng seguridad ng mga mamamayan.










Comments