top of page
bg tab.png

GulayAngat Festival 2026: LGU Angat, Nagbukas ng Oportunidad para sa Sponsorship at Partnership

Sep 10
1 min read

Nagbukas ng pintuan para sa mga prospective partners at sponsors ang Municipal Tourism Office ng Angat para sa nalalapit na pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026.


Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang mga negosyo, organisasyon, at iba't ibang kumpanya na makipagtulungan upang mas maging makabuluhan, masaya, at kapaki-pakinabang ang taunang selebrasyon para sa buong komunidad ng Angat.



Para sa mga interesadong maging sponsor o katuwang sa mga aktibidad ng festival, maaari lamang bisitahin ang Angat Municipal Tourism Office o magpadala ng mensahe sa kanilang opisyal na Facebook page.


Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, naglalayon ang LGU Angat na mas maipakilala pa ang kultura, produktong agrikultural, at turismo ng bayan sa tulong ng mga lokal at pambansang sektor.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page