Playtheme 2026, Naghatid ng Saya sa mga Daycare Learners sa Bayan ng Angat

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month 2026 na may temang “Partisipasyon at Edukasyong Patas, Pundasyon ng Ligtas at Makabatang Bukas,” matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang Playtheme 2026 sa Angat Municipal Gymnasium.
Pinangunahan ang aktibidad ni Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Menchie M. Bollas, kasama ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), upang makapagbigay ng masaya at makabuluhang karanasan sa mga batang mag-aaral mula sa iba't ibang Day Care Centers sa buong bayan.

Sa pamamagitan ng iba't ibang laro at gawaing pambata, nabigyan ng pagkakataon ang mga daycare learners na aktibong makilahok, makisalamuha sa kanilang mga kapwa bata, at higit pang malinang ang kanilang kakayahan sa isang masigla at ligtas na kapaligiran.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga programang nagbibigay-halaga sa karapatan, kapakanan, at pangkalahatang pag-unlad ng bawat batang Angatenyo tungo sa isang ligtas at maliwanag na kinabukasan.











Comments