Go Asenso Negosyo Caravan, Matagumpay na Idinaos sa Bayan ng Angat

Matagumpay na naisakatuparan ang Go Asenso Negosyo Caravan sa Bayan ng Angat na nilahukan ng humigit-kumulang 120 Micro and Small Enterprises (MSEs) bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa lokal na ekonomiya at pagsuporta sa mga negosyante.
Ang nasabing programa ay naging posible sa pakikipag-ugnayan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) at Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO), sa pamumuno ni G. Yral Calderon, katuwang ang Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO).
Kinapalooban ang caravan ng iba't ibang presentasyon at libreng packaging and labelling consultation na makatutulong sa mga kasalukuyang nagnenegosyo at sa mga nagpaplanong magsimula ng kabuhayan. Nakiisa rin bilang mga katuwang na ahensya at pribadong sektor ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Department of Information and Communications Technology (DICT), Meralco, at GCash for Business.

Kasabay ng caravan ang pagtatampok ng isang Mini Trade Fair kung saan ibinida ang mga lokal na produkto ng mga samahan at negosyo sa bayan, kabilang ang:
Angateños Pride
Angat Kalusugan
Organic Farmers of District 6 Bulacan Inc.
Samahan ng may mga Kapansanan sa Bayan ng Angat (SAMAKABA)
Special Needs Education (SNED)
Fresh Q Enterprises Corp.
Seven C Food Corporation
Angat Farmers Association (para sa KADIWA Program)
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista ang kanyang buong suporta sa mga negosyanteng Angatenyo. Binigyang-diin niya na ang Angat ay patuloy na nakikilala sa buong lalawigan dahil sa kalidad ng mga lokal na produkto nito—isang malinaw na patunay na ang bayan ay isang "business-friendly" na lugar para sa mga kasalukuyang negosyante at mga nais pang mamuhunan.











Comments