top of page
bg tab.png

'ANGAT EDUKASYON' Educational Assistance Program, Opisyal na Inilunsad ng Pamahalaang Bayan

1 day ago
1 min read

Opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Angat, ang programang ANGAT EDUKASYON: Educational Assistance for Students upang magkaloob ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong mag-aaral sa bayan.


Bukas ang naturang programa para sa mga lehitimong residenteng nag-aaral sa Junior High School, Senior High School, at Kolehiyo mula Nobyembre 9 hanggang Nobyembre 17, 2026.


Upang maging kwalipikado, kinakailangang ang aplikante ay kasalukuyang nag-aaral, may pangkalahatang grado na hindi bababa sa 80% (o katumbas nito) nang walang bagsak o incomplete na marka, hindi pa nakapagtatapos ng anumang kurso sa kolehiyo, at may maayos na katayuan sa paaralan at komunidad. Gagamitin ang patakarang isang benepisyaryo lamang sa bawat pamilya upang mas maraming kabahayan ang makinabang sa programa.


Isasagawa ang aplikasyon sa pamamagitan ng pag-scan sa QR Code o pag-access sa opisyal na online form (https://bit.ly/AngatEdukasyon). Kinakailangang mai-upload ang mga sumusunod na dokumento:

  • Accomplished Application Form

  • Valid ID ng Magulang o Guardian (harap at likod)

  • Certificate of Enrollment / Registration (Original o Certified True Copy)

  • Valid Student ID (harap at likod)

  • Barangay Indigency Certificate (nakapangalan sa magulang kung menor de edad ang estudyante)

  • Copy of Latest Grades / Report Card (Original o Certified True Copy)


Ipinapaalala ng LYDC na ang pagpapasa ng aplikasyon ay hindi nangangahulugang awtomatikong aprubado na ang estudyante, dahil ang lahat ng aplikasyon ay sasailalim sa masusing pagsusuri, beripikasyon, at pagraranggo alinsunod sa nakalaang pondo at limitadong bilang ng slots ng programa.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page