BFP Angat, Pinangunahan ang Lingguhang Flag Raising Ceremony

Matagumpay na isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat na pinangunahan ng mga kawani ng Angat Bureau of Fire Protection (BFP).
Sinundan agad ang pambansang seremonya ng isang Banal na Misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Peter Collin Crisostomo. Layunin ng nasabing misa ang mag-alay ng pasasalamat sa mga biyayang natatanggap ng pamahalaang lokal at humingi ng patuloy na pagpapala at patnubay para sa paglilingkod sa mamamayan.

Nakiisa sa nasabing pagtitipon sina Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin L. Agustin, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, mga kinatawan ng Angat PNP, at mga kawani ng pamahalaang bayan.
Ayon sa pamunuan ng LGU Angat, ang sama-samang pananalangin at pakikiisa sa mga gawaing pampamahalaan ay patuloy na nagpapatibay sa diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod sa bawat Angatenyo.











Comments