Brgy. Banaban, Nagkaisa sa Unang Linis-Barangay Ngayong Nobyembre

Muling nagkaisa ang pamunuan ng Barangay Banaban, Angat, Bulacan at ang mga lokal na residente sa pagsasagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Nobyembre 7, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, barangay tanod, at mga boluntaryong mamamayan sa paglilinis ng mga pangunahing kalsada, pag-aalis ng mga nakatambak na basura, at pagtiyak na malinis ang mga kanal sa komunidad.

Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na ang patuloy na pagpapatupad ng lingguhang linis-baranggay ngayong papasok ang buwan ng Nobyembre ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang pagbara sa mga lagusan ng tubig at mabawasan ang banta ng mga peste at karamdaman sa pamayanan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Banaban sa lahat ng nakiisa at patuloy na nagpapakita ng malasakit para sa ikalilinis at ikaliligtas ng buong sakop ng barangay.











Comments