top of page
bg tab.png

LGU Angat, Kinilala ng RPOC Region III para sa Drug-Free Workplace Program

1 day ago
1 min read

Pinarangalan ang Pamahalaang Bayan ng Angat matapos itong pagkalooban ng Drug-Free Workplace Certification mula sa Regional Peace and Order Council (RPOC) Region III bilang pagkilala sa matagumpay na pagtugon at pagsunod ng lokal na pamahalaan sa mga pamantayan ng Drug-Free Workplace Certification Program.


Pormal na iginawad ang nasabing sertipikasyon ngayong Nobyembre 10, 2026 sa Royce Hotel, Clark Freeport Zone. Tinanggap ito ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan na sina MADAC Focal Person Dra. Miel Kathleen B. Franco, Angat Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Cecilia R. Caburnay, at Anna Victoria I. Paulino bilang kinatawan ng Tanggapan ng Punong Bayan.


Sumasalamin ang pagkilalang ito sa patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat ng isang ligtas, maayos, at malusog na kapaligiran sa trabaho, gayundin sa matatag na paninindigan nitong makiisa sa kampanya kontra ilegal na droga.


Ayon sa pamunuan ng LGU Angat, ang sertipikasyong ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng buong lokal na pamahalaan tungo sa responsableng serbisyo-publiko at pagpapanatili ng isang pamayanang ligtas at malaya sa ipinagbabawal na gamot.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page