top of page
bg tab.png

Mga Programa sa Kapayapaan at Kampanya Kontra Ilegal na Droga, Tinalakay sa Joint Council Meeting ng LGU Angat

2 days ago
1 min read

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang 4th Quarter Joint Council Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), at Retooled Community Support Program (RCSP) bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong bayan.


Pinangunahan ang nasabing pagpupulong nina Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, Municipal Local Government Operations Officer (LGOO VI) Cecilia R. Caburnay, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Provincial Officer Liwanag Sandaan. Dinaluhan din ito ng mga Punong Barangay, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, at mga kinatawan mula sa Angat Municipal Police Station (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) Angat, Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga Civil Society Organizations (CSOs).


Tinalakay sa pulong ang mga accomplishment report ng Angat PNP, Angat BFP, at AFP, gayundin ang mga pinakahuling ulat hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng kapayapaan at seguridad sa bayan. Iniulat din dito ang estado ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan at ang kaukulang paggamit ng pondo (fund utilization) para sa mga nakahanay na proyekto.


Kabilang sa mga pangunahing usaping binigyang-diin ang pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Policy, mga programa at operasyon laban sa ilegal na droga, ang kasalukuyang kalagayan ng Barangay Drug Clearing Program, Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP), at ang programang Balay Silangan.


Patuloy namang pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mahigpit na koordinasyon at pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, mga barangay, at mga sektor ng komunidad upang mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan para sa bawat Angatenyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page