top of page
bg tab.png

Lingguhang Flag Raising Ceremony ng LGU Angat, Pinangunahan ng HRMO

8 hours ago
1 min read

Matagumpay na isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat na pinangunahan ng mga kawani mula sa Human Resource Management Office (HRMO).


Dinaluhan ang nasabing palatuntunan nina Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno at kawani ng bawat tanggapan, gayundin ang mga kinatawan mula sa Angat Municipal Police Station (PNP) at Angat Bureau of Fire Protection (BFP).



Kasabay ng programa, pormal ding ibinahagi at kinilala ang pagkakamit ng Pamahalaang Bayan ng Angat ng Drug-Free Workplace Certification mula sa Regional Peace and Order Council (RPOC) Region III. Ang parangal na ito ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at malinis na kapaligiran sa lugar ng trabaho.


Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang disiplina, pagkakaisa, at integridad sa paglilingkod-bayan tungo sa pagpapanatili ng isang ligtas at maunlad na pamayanan para sa bawat Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page