Riza Espiritu, Wagi Muli Bilang Natatanging Mother Leader 2026

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat kay Gng. Riza Espiritu ng Barangay San Roque matapos nitong muling makamit ang prestihiyosong karangalan bilang Natatanging Mother Leader Grand Winner 2026.
Ang kanyang ikalawang magkakasunod na pagkapanalo ay nagsisilbing malinaw na patunay ng kanyang walang sawang dedikasyon, sipag, sakripisyo, at malasakit sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong pangnutrisyon para sa mga mamamayan—partikular na para sa mga kapwa ina at kabataan sa komunidad.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na ang nasabing tagumpay ni Espiritu ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang palakasin ang paglilingkod-bayan at ang kampanya para sa wastong nutrisyon at kalusugan sa buong bayan ng Angat.










Comments