Angat MPS, Higpit-Bantay sa Pamilihang Bayan
Bilang bahagi ng kampanyang "Ligtas Paskuhan," mas pinalakas ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang presensya at pagpapatrolya sa Pamilihang Bayan ng Angat. Layunin ng nasabing operasyon na masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayang dumadagsa para sa kanilang huling minuto na pamimili bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Sa ilalim ng pamumuno ng Angat MPS, patuloy ang pag-iingat at pagbabantay upang maiwasan ang anumang insidente ng krimen gaya ng pag
Pulisya ng Angat, Nagbabala Laban sa Paggamit ng 'Boga'
Mahigpit na ipinapaalala ng Himpilan ng Pulisya ng Angat ang pagbabawal sa paggamit ng "boga" alinsunod sa Republic Act No. 7183. Sa layuning matiyak ang isang ligtas at payapang pagdiriwang, nananawagan ang kapulisan sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok at kagamitan na maaaring magdulot ng sunog o pinsala sa katawan.























