top of page
bg tab.png

PNP Angat, Nagsagawa ng Jail Ministry at Feeding Program para sa mga PDL


Bilang bahagi ng pagpapatatag sa aspetong moral at espirituwal ng mga indibidwal sa ilalim ng kanilang kustodiya, nakiisa ang Angat Municipal Police Station sa isang Jail Ministry program nitong ika-6 ng Pebrero, 2026.


Sa ilalim ng pamumuno ni PCpt. Jayson M. Viola, OIC ng PNP Angat, katuwang ang HRAO personnel, binigyang-daan ang pagdaraos ng Banal na Misa na pinangunahan ni Mnsgr. Manny Villaroman, Kura Paroko ng Sta. Monica Church. Sinundan ito ng Jail Ministry ng grupong El Shaddai, na naglalayong magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).


Kasabay ng espirituwal na aktibidad, nagsagawa rin ang himpilan ng isang Feeding Program sa loob ng Custodial Facility sa Brgy. San Roque. Ang mga hakbang na ito ay nakaangkla sa Chief PNP Focus Agenda, na naglalayong itaguyod ang kagalingan at pagbabagong-loob ng bawat indibidwal sa pamamagitan ng pagkalinga sa kanilang kaluluwa at katawan.


Ayon sa PNP Angat, ang ganitong mga aktibidad ay mahalaga upang maiparamdam sa mga nasa piitan na mayroon pa ring pagkakataon para sa bagong simula at pag-asa sa kabila ng kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page