top of page
bg tab.png

iPhone, Ligtas na Naibalik sa May-ari sa Tulong ng Isang Angateño

Sa gitna ng modernong panahon, muling pinatunayan ng isang Angateño na buhay na buhay ang katapatan at pagmamalasakit sa kapwa. Personal na pinasalamatan ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat Municipal Police Station (MPS), si Ginoong Basilio Toribio dahil sa kanyang pagpapakita ng kabutihang-loob nitong ika-29 ng Enero, 2026.


Isinauli ni Ginoong Toribio ang isang nawalang iPhone na pagmamay-ari ni Gng. Elaine Paglinawan mula sa Barangay Sto. Cristo. Sa halip na pag-interesan ang mamahaling gadget, pinili ni Basilio na dalhin ito sa mga awtoridad upang matiyak na maibabalik ito sa tunay na nagmamay-ari.


Ayon kay PCPT Viola, ang ginawa ni Ginoong Toribio ay isang halimbawa ng “Tamang Gawa, Tamang Gawi” na dapat tularan ng lahat. Ang ganitong mga kuwento ng "Good Deeds" ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa mga sibilyan kundi maging sa hanay ng kapulisan upang patuloy na maglingkod nang may integridad at katapatan sa bayan ng Angat.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page