Angat PNP at PDMMSHS, Nagsanib-Pwersa sa Anti-Drug Campaign
- Angat, Bulacan

- Jan 28
- 1 min read

Upang ilayo ang kabataan sa masamang bisyo at ihanda sila bilang mga susunod na pinuno ng bayan, nakiisa ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang “Empowering Youth: A Health and Wellness Symposium” ngayong ika-28 ng Enero, 2026 sa President Diosdado P. Macapagal Memorial High School (PDMMSHS).

Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC, at sa pangunguna ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, nagsilbing Guest Lecturers ang mga tauhan ng Angat MPS para sa mga mag-aaral ng Grade 11. Tinalakay sa symposium ang mga mapanirang epekto ng ilegal na droga sa pisikal at mental na kalusugan ng isang tao.
Bukod sa usaping pangkalusugan, binigyang-diin din ng kapulisan ang mga legal na implikasyon sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Layunin ng aktibidad na ito, na katuwang ang Barkada Kontra Droga at Local Youth Development Council (LYDC), na bigyan ang mga estudyante ng sapat na "refusal skills" laban sa peer pressure at gabayan sila sa paggawa ng mga tamang desisyon para sa kanilang kinabukasan.









Comments