Angat PNP, Higit na Pinaigting ang ‘Oplan-Sita’ para sa Kaligtasan ng Publiko
- Angat, Bulacan

- Jan 31
- 1 min read
Upang masiguro ang kaayusan at mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad, patuloy na isinasagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang pinaigting na Oplan-Sita sa iba’t ibang estratehikong lugar sa munisipalidad ngayong Enero 2026.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Mirari Cruz, Deputy Chief of Police (DCOP), sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge. Layunin ng hakbang na ito na paigtingin ang police visibility at pigilan ang mga ilegal na gawain, lalo na ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem at mga hindi awtorisadong sasakyan.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang Oplan-Sita ay hindi lamang para sa pag-aresto ng mga lumalabag sa batas, kundi para na rin sa proteksyon ng mga motorista at mamamayan. Pinapaalalahanan ang lahat na sumunod sa mga alituntunin, magdala ng kaukulang dokumento ng sasakyan, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang isang ligtas at payapang Angat.









Comments