top of page
bg tab.png

Angat PNP, Nagsagawa ng ‘Oplan Bakal’ sa Brgy. Sta. Lucia


Bilang bahagi ng kampanya para sa isang ligtas at payapang komunidad, naging matagumpay ang isinagawang “Oplan Bakal” ng mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa isang establisyimento sa Brgy. Sta. Lucia ngayong ika-4 ng Pebrero, 2026.


Sa ganap na alas-10:00 ng gabi, sinaliksik ng mga operatiba sa ilalim ng pamumuno ni PSSg Rodolfo Curampez, Patrol PNCO, at sa gabay ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, ang Trop's Resto Bar upang masiguro ang kaligtasan ng mga parokyano at residente sa paligid.


Layunin ng operasyong ito na mapigilan ang pagdadala ng mga ilegal na baril (loose firearms) at mga nakamamatay na sandata (deadly weapons) sa loob ng mga pampublikong lugar. Bukod dito, sinuri rin ng kapulisan ang pagsunod ng establisyimento at ng mga patrons nito sa mga lokal na ordinansa at umiiral na batas upang maiwasan ang anumang insidente ng krimen at kaguluhan.


Ayon sa Angat MPS, ang pagpapaigting ng presensya ng pulisya sa gabi ay bahagi ng kanilang preventive measures upang mapanatili ang kaayusan at matiyak na ang mga Angateño ay nakapamamasyal nang may kapanatagan sa sariling bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page