top of page
bg tab.png

114 Modified Mufflers, Winasak ng Pulisya at Pamahalaang Bayan ng Angat sa Brgy. San Roque


Bilang mariing babala sa mga pasaway na motorista, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang isang Ceremonial Destruction ng mga kumpiskadong open pipe o modified mufflers ngayong ika-03 ng Pebrero 2026 sa New Angat Municipal Hall, Brgy. San Roque.


Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina PCPT Jayson M. Viola (OIC) at Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista. Nakiisa rin sa programa ang mga miyembro ng Angateño Riders Club, Angat Traffic Management Office (ATMO), at ang Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO).


Umabot sa kabuuang isang daan at labing-apat (114) na yunit ng mga ilegal na tambutso ang winasak gamit ang heavy equipment. Ang mga ito ay nakumpiska mula sa serye ng mga operasyon sa iba't ibang bahagi ng bayan dahil sa paglabag sa batas trapiko at pagdudulot ng polusyon sa ingay na nakakaabala sa katahimikan ng publiko.


Ayon kay PCPT Viola, ang hakbang na ito ay naglalayong ipakita ang seryosong pagpapatupad ng batas at paigtingin ang road safety awareness sa mga motorista. Binigyang-diin naman ni Mayor Bautista na ang kampanyang ito ay para sa ikabubuti at katahimikan ng bawat Angatenyo.


Naging maayos at payapa ang buong programa na nagsilbing hudyat ng mas lalo pang paghihigpit ng lokal na pamahalaan laban sa mga ilegal na aksesorya ng sasakyan sa lansangan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page