Pulisya ng Angat, Mas Pinahigpit ang Kampanya Laban sa Modified Mufflers
- Angat, Bulacan

- Feb 1
- 1 min read

Bilang tugon sa dumaraming reklamo ng mga mamamayan hinggil sa polusyon sa ingay, mas pinahigpit ng Angat Municipal Police Station ang kanilang operasyon laban sa mga sasakyang gumagamit ng modified mufflers o mga "open pipe" na tambutso sa buong bayan.
Ayon sa pamunuan ng Pulisya ng Angat, ang paggamit ng mga ganitong uri ng tambutso ay tahasang paglabag sa batas trapiko at nagdudulot ng matinding istorbo sa katahimikan ng mga komunidad, lalo na sa mga residential areas at mga zona ng paaralan at simbahan.
Sa ilalim ng pinaigting na kampanyang "No to Modified Mufflers," ang mga mahuhuling lalabag ay papatawan ng kaukulang multa at kumpiskasyon ng mga hindi awtorisadong kagamitan. Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang disiplina sa kalsada at mapanatili ang kaayusan at katahimikan para sa lahat ng mga Angatenyo.
Pinapayuhan ang mga motorista na sumunod sa itinakdang standard ng batas upang maiwasan ang abala.









Comments