top of page
bg tab.png

Angat PNP, Tiniyak ang Zero-Incident sa Pagbubukas ng Bagong Municipal Hall


Naging payapa at organisado ang pormal na pagbubukas at pagbabasbas ng bagong Angat Municipal Hall ngayong ika-26 ng Enero, 2026, sa pamamagitan ng masusing pagbabantay ng Angat Municipal Police Station (MPS).


Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, tiniyak ng kapulisan ang area security, pati na rin ang daloy ng trapiko at route security para sa mga dumalong matataas na opisyal. Kabilang sa mga panauhing pandangal sina Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin, at Cong. Salvador "Ador" Pleyto ng ika-6 na distrito ng Bulacan.


Ang tagumpay ng seguridad ay bunga ng maayos na koordinasyon ng Angat MPS katuwang ang Angat Traffic Management Office (TMO) at mga Barangay Tanod ng San Roque. Ayon kay PCPT Viola, ang pakikipagtulungan ng bawat yunit ay mahalaga upang masigurong ligtas ang mga mamamayan at panauhin habang ipinagdiriwang ang bagong simbolo ng serbisyo-publiko at kaunlaran sa bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page