Angat PNP, Rumesponde sa Naganap na Sunog sa Brgy. San Roque
- Angat, Bulacan
- Feb 5
- 1 min read

Agarang rumesponde ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS)Â sa isang insidente ng sunog na naganap sa Saudi St., Brgy. San Roque, upang magbigay ng tulong at matiyak ang kaayusan sa lugar.
Sa ilalim ng pamumuno ni PSSg Rodolfo Curampez, Patrol PNCO, at sa gabay ng kanilang Officer-in-Charge, mabilis na nagtungo ang mga pulis sa pinangyarihan ng sunog.
Pangunahing tungkulin ng kapulisan ang magsagawa ng evacuation para sa mga apektadong pamilya at siguruhing ligtas ang mga residente mula sa panganib.
Bukod sa pagtulong sa paglikas, nagsagawa rin ang Angat MPS ng traffic at crowd control upang maging mabilis at maayos ang pagpasok ng mga trak ng bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng PNP at BFP ay naging susi upang hindi na kumalat pa ang apoy at maiwasan ang karagdagang pinsala o insidente sa komunidad.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang ganitong mabilis na pagresponde ay bahagi ng kanilang pangako na maging "unang takbuhan" ng mamamayan hindi lamang sa pagsugpo ng krimen, kundi maging sa oras ng kalamidad at sakuna.





