Angat MPS, Nagbabala Laban sa ‘Basag-Kotse’; Mga Motorista, Pinayuhang Maging Mapagmatyag
- Angat, Bulacan

- Jan 31
- 1 min read

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa seguridad ng publiko, naglabas ng mahalagang "Safety Advisory" ang Angat Municipal Police Station (MPS) upang iwasan ang mga insidente ng Basag-Kotse sa bayan.
Ayon sa kapulisan, madalas maging target ng mga masasamang loob ang mga sasakyang nakaparada sa mga madidilim o liblib na lugar, pati na rin ang mga motoristang nagpapakita ng mahahalagang kagamitan sa loob ng sasakyan. Layunin ng babalang ito na itaas ang kamalayan ng mga may-ari ng sasakyan at mabawasan ang pagkakataon ng mga kriminal na makapanira at makapagnakaw.
Binigyang-diin ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, na ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga kahina-hinalang tao ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kaayusan.









Comments