Barangay Sta. Cruz, Nanawagan ng Pakikiisa sa Blood Letting Activity sa San Roque
Naglabas ng paanyaya ang Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz sa kanilang mga residente na makiisa sa isang Blood Letting Activity o mobile blood donation na isasagawa sa kalapit na Barangay San Roque. Ang aktibidad ay isasagawa sa Lunes, Nobyembre 17, 2025 , mula 8:00 AM hanggang 11:30 AM . Gaganapin ang programa sa Evacuation Center ng San Roque, Angat, Bulacan .
Abiso ng Barangay Niugan: Pansamantalang Walang Koleksyon ng Basura; Elf Truck, Kasalukuyang Ipinapagawa
Nagbigay ng pabatid ang Sangguniang Barangay ng Niugan sa lahat ng mga residente na pansamantala munang ititigil ang paglalabas ng basura. Ayon sa anunsyo, ang Elf truck na ginagamit sa pangongolekta ng basura ay kasalukuyang sira at ipinapagawa. Dahil dito, hindi muna maisasagawa ang regular na pangongolekta ng basura. Humihingi ng pang-unawa at paumanhin ang Sangguniang Barangay sa abalang maidudulot nito. Pinapayuhan ang mga residente na maghintay sa susunod na anunsyo kun






















