National ID Registration, Ginanap sa Angat Municipal Building
- Angat, Bulacan

- Nov 13
- 1 min read

Matagumpay na isinagawa ang National ID Registration sa Conference Hall ng Angat Municipal Building, Third Floor, ngayong araw, Huwebes, Nobyembre 13, 2025.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Municipal Civil Registry Office (MCRO) katuwang ang PhilSys. Ito ay nagbigay-daan sa mga residente na wala pang National ID, naghihintay pa ng kanilang physical ID, o may iba pang concerns, na magparehistro at magtanong.
Hinimok ang mga nagparehistro noon na dalhin ang kanilang transaction slip upang ma-track ang kanilang ID o mabigyan ng temporary National ID.
Ang patuloy na pagdaraos ng National ID registration ay mahalaga upang mas maraming Angateño ang makakuha ng valid government ID para sa mas madaling pag-access sa serbisyo.









Comments