Pamahalaang Bayan ng Angat, Nakiisa sa Paggunita ng Undas 2026

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa buong mamamayang Angatenyo sa taunang paggunita ng Undas ngayong Nobyembre 2026.
Hinihikayat ng pamahalaang lokal ang bawat pamilya na pairalin ang disiplina, paggalang, at pakikiisa upang tiyakin ang maayos, ligtas, at mapayapang pagdalaw sa mga pampubliko at pampribadong sementeryo sa buong bayan.
Inihayag ng Pamahalaang Bayan na ang okasyong ito ay isang mahalagang panahon upang alalahanin ang mga pumanaw na mahal sa buhay at ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa mga magagandang alaala at aral na kanilang iniwan.
Mananatili namang nakatutok ang iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at pampublikong seguridad upang magbigay ng kinakailangang asistensya at panatilihin ang kaayusan sa mga sementeryo sa buong sakop ng Angat.










Comments