top of page
bg tab.png

Trick or Treat: Fantasylandia 2026 ng Angat CDCs, Matagumpay na Idinaos

2 days ago
1 min read

Matagumpay na naisagawa ang apat na araw na pagdiriwang ng Angat Child Development Centers Trick or Treat: Fantasylandia 2026 na naghatid ng saya, tawanan, at makukulay na karanasan sa mga batang mag-aaral mula sa iba’t ibang Child Development Centers (CDCs) sa buong bayan ng Angat.


Ang naturang aktibidad ay ginanap mula Oktubre 26 hanggang Oktubre 29, 2026, sa Angat New Municipal Hall Grounds sa pangunguna ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Menchie M. Bollas. Nakiisa rin sa pagtataguyod ng selebrasyon sina Mayora Lesslie T. Bautista, Neris Valeriano, Jowable Youth, at ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Angat.



Nahati sa apat na araw ang paglahok ng mga sumusunod na CDC:

  • Oktubre 26: Niugan I, Niugan II, Marungko, Sulucan I, Sulucan II, at Taboc.

  • Oktubre 27: San Roque I, San Roque II, Sta. Cruz I, Sta. Cruz II, Sto. Cristo, at Paltok.

  • Oktubre 28: Donacion, Pulong Yantok I, Pulong Yantok II, Encanto, at Laog.

  • Oktubre 29: Banaban, Baybay, Binagbag I, Binagbag II, Sta. Lucia, at National Child Development Center (NCDC).


Sa pamamagitan ng programang ito, muling naipamalas ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang patuloy na pagsuporta sa mga gawaing nagtataguyod ng kasiyahan, pagkamalikhain, at magandang karanasan para sa mga batang Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page