Kalinisan sa Purok Tubao 1, Itinaguyod sa Weekly Clean-up Drive

Muling nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay Sulucan sa Purok Tubao 1 ngayong Oktubre 31, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente sa paglilinis ng mga kalsada, kanal, at pampublikong lugar bilang bahagi ng patuloy na programa ng barangay para sa kalinisan at kalusugan ng pamayanan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa bawat residenteng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon upang panatilihing maayos, malinis, at ligtas sa anumang sakit ang kanilang kapaligiran.
Ayon sa Barangay Sulucan, ang patuloy na pagtutulungan ng komunidad sa mga ganitong aktibidad ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng buong barangay.










Comments