top of page
bg tab.png

Evacuation Center Update: Mga IDPs sa San Roque, Naihatid Na; 8 Pamilya Bawat Barangay, Nananatili sa Sto. Cristo/Sta. Cruz


ree

Nagbigay ng update ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat hinggil sa kalagayan ng mga evacuation centers sa bayan ngayong araw, Nobyembre 11, 2025.


Opisyal nang sarado ang Evacuation Center sa San Roque. Ligtas na ring naihatid pauwi ang mga Internally Displaced Persons (IDPs) doon sa tulong ng mga opisyal ng Barangay San Roque.


Samantala, mayroon pa ring mga IDPs na pansamantalang nananatili sa dalawang (2) barangay:


  • Sto. Cristo: 8 pamilya

  • Sta. Cruz: 8 pamilya


Ang MDRRMO Angat at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Angat ay nananatiling nakabantay sa Operations Center upang matiyak ang maayos na koordinasyon at komunikasyon, gayundin ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga barangay na may mga IDPs pa.


Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista sa mga ahensya upang masigurong maayos ang pagtugon ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page