top of page
bg tab.png

Kalinisan sa Marungko: Ika-apat na Linggo ng Paglilinis ngayong 2026, Matagumpay


Hindi natitinag ang sigasig ng Barangay Marungko sa pagpapanatili ng kalinisan matapos muling isagawa ang kanilang Weekly Clean-Up Drive nitong ika-24 ng Enero, 2026.


Ang aktibidad, na naging regular na bahagi na ng Sabado ng mga taga-Marungko, ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay katuwang ang mga barangay tanod at mga aktibong miyembro ng komunidad. Sa linggong ito, tinuon ang operasyon sa paglilinis ng mga pampublikong pasilidad at pagpuksa sa mga stagnant water sa mga kanal upang maiwasan ang banta ng dengue at iba pang sakit.


Ayon sa pamunuan ng barangay, ang pagiging konsistent sa paglilinis tuwing linggo ay susi upang hindi na mag-ipon pa ang basura sa mga kalsada. Nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga Marungkenyo na patuloy na sumusuporta sa adhikaing gawing pinakamalinis at pinaka-maayos na barangay ang Marungko sa buong bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page