Mayor Jowar, Nanindigan Laban sa Fake News at Paninira sa Social Media
- Angat, Bulacan

- Nov 11
- 1 min read

Naglabas ng pahayag si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista upang manindigan laban sa laganap na fake news, paninira, at kasinungalingan na naglalayong gibain ang mga indibidwal, lalo na ang mga lingkod-bayan, sa social media.
Ayon kay Mayor Bautista, hindi maiiwasan na maging target ang mga opisyal ng mga "maling gawain" na nagdudulot ng "pagkalito at abala" sa kanilang paglilingkod. Gayunpaman, tiniyak niya na hindi malilihis ang kanilang pansin sa mas mahahalagang tungkulin para sa bayan.
Bilang tugon sa maraming katanungan, nagbigay ng pahayag ang Punong Bayan hinggil sa isyu ng katotohanan:
"HINDI KAILANGANG IPAGTANGGOL SA MGA NAG-IISIP NANG TAMA ANG KATOTOHANAN. Ang kinakapitan lang ng kasinungalingan ay yaong mga hindi ginagamit nang tama ang kanilang isip."
Hinimok niya ang mga Angateño na maging mapanuri at "tumimbang nang maigi kung ano ang TAMA at MALI."
Tiniyak ni Mayor Bautista ang patuloy na paninindigan ng kanyang administrasyon sa KATOTOHANAN, KAAYUSAN, at PAGPAPAHUSAY NG SERBISYO. Nagpahayag din siya ng paniniwala na "hinding-hindi papayagan ng Panginoon na maghari ang kasinungalingan, kaguluhan, at kasakiman sa ating bayan."









Comments