top of page
bg tab.png

BillEase, Naghahanap ng mga Kawani katuwang ang PESO Angat


Sa patuloy na pagsisikap ng Public Employment Service Office (PESO) Angat na maghatid ng kabuhayan para sa mga Angateño, binubuksan ngayon ng kumpanyang BillEase ang pintuan para sa mga kwalipikadong aplikante na nagnanais ng maayos na karera.


Katuwang ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, layunin ng hiring na ito na mabigyan ng prayoridad ang mga residente ng bayan sa mga bakanteng posisyon sa nasabing kumpanya.




Kasalukuyang nangangailangan ang BillEase ng mga sumusunod:

1. Sales Associate (5 Slots)

  • May matibay na kakayahan sa pakikipag-ugnayan (Interpersonal at Communication Skills).

  • May kumpiyansa sa sarili.

  • Fresh graduates ay malugod na hinihikayat na mag-apply.

2. Field Collector (3 Slots)

  • May karanasan sa field collection.

  • May sariling motorsiklo at updated na Driver's License.

  • Marunong sa basic computer skills at mahusay makipag-usap.

3. Field Risk Officer (2 Slots)

  • May 2 taong karanasan sa fraud investigation, field audit, risk management, o sales operations.

  • Mahusay sa investigative, analytical, at documentation skills.

  • Bachelor’s Degree sa Criminology, Business Administration, Risk Management, o anumang kaugnay na kurso.




Para sa mga nagnanais mag-apply, narito ang dalawang (2) hakbang na dapat sundin:

  1. Online Registration: Mag-rehistro muna sa link na ito: https://forms.gle/1oXAz4vqY1xgFFd79

  2. Submission of Resume: Matapos mag-register, ipadala ang inyong updated resume sa opisyal na email address ng PESO: pesohiringangat@gmail.com.


Pinapaalalahanan ang lahat ng mga aplikante na tiyaking kompleto at updated ang impormasyon sa kanilang resume. Ang pagbubukas ng mga ganitong oportunidad ay bahagi ng adbokasiya ng PESO na mailapit ang mga kumpanya sa mga mamamayan upang mabawasan ang gastusin sa paghahanap ng trabaho.


Para sa mga karagdagang katanungan, maaaring bumisita sa tanggapan ng PESO sa New Municipal Building, San Roque, Angat.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page