top of page
bg tab.png

8 Kabataang Angateño, Kinilala bilang mga Bagong Dalubhasa ng Bayan


Isang gabi ng nagniningning na tagumpay at matinding inspirasyon ang bumalot sa idinaos na Gabi ng Parangal 2026: Mga Dalubhasa ng Bayan — Dangal at Mag-aangat ng Pamayanan. Sa nasabing okasyon, binigyang-pugay ng Pamahalaang Bayan ang 68 kabataang Angateño na matagumpay na nakapasa sa kani-kanilang licensure examinations noong nakaraang taon, 2025.


Ang programa ay pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) at ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation, katuwang ang Angat Local Youth Development Council, bilang pagkilala sa pagsisikap at dedikasyon ng mga bagong lisensyadong propesyonal ng bayan.



Sentro ng gabi ang makabagbag-damdaming mensahe ni Janah Olivia M. Racar, OTRP, na nakakuha ng Top 5 sa Occupational Therapists Licensure Examination. Sa kanyang talumpati, ipinaalala niya sa kanyang mga kapwa board passers na ang kanilang nakamit ay higit pa sa isang personal na tagumpay.

“Tayo ang sentro ng karangalan, ngunit simula bukas ay simula na rin ng ating tungkulin. Ang lisensyang ito ay hindi lamang isang pirasong papel na nagpapatunay na tayo ay dalubhasa—ito ay isang panata. Isang pangako na gagamitin natin ang ating kaalaman hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa ika-uunlad ng ating bayan,” pahayag ni Racar.



Nakiisa sa pagdiriwang ang mga matataas na opisyal ng bayan sa pangunguna ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, kasama sina Kon. Wowie Santiago at Kon. JP Solis. Dumalo rin si Bb. Justine Sarmiento bilang kinatawan ng tanggapan ni Vice Governor Alex Castro.


Naroon din ang suporta ng mga kapitan sa pangunguna ni ABC President Kap. Alex Tigas, at ang sektor ng edukasyon sa pamumuno ni Dr. Guillermo J. Flores. Ang presensya ng mga magulang at guro ay nagsilbing pagkilala rin sa kanilang mahalagang papel sa likod ng tagumpay ng bawat bagong propesyonal.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page