PESO Angat, Pinangunahan ang BTEC Quarterly Meeting 2026
- Angat, Bulacan

- 2 hours ago
- 1 min read

Upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng mga programa para sa trabaho at kabuhayan sa bawat barangay, matagumpay na idinaos ng Public Employment Service Office (PESO) Angat ang BTEC Quarterly Meeting 2026 nitong nakaraang Biyernes, ika-6 ng Marso.
Ginanap ang nasabing pagtitipon sa Conference Hall ng New Municipal Building, kung saan nagbuklod ang mga kinatawan mula sa iba't ibang barangay upang talakayin ang mga estratehiya sa pagpapaunlad ng lokal na empleyo.
Ang Barangay Training and Employment Coordinators (BTEC) ay nagsisilbing tulay ng pamahalaang bayan sa mga residente sa antas ng barangay.









Comments