Bone Screening, Isinagawa para sa Senior Citizens ng Angat RHU
- Angat, Bulacan

- Nov 10
- 1 min read

Matagumpay na nagsagawa ang Rural Health Unit (RHU) Angat ng Bone Screening para sa mga senior citizen ng bayan noong Nobyembre 7, 2025.
Ang aktibidad ay ginanap sa Municipal Evacuation Center at Isolation Facilities.
Isinagawa ang bone screening sa pakikipagtulungan ng:
Multicare Pharmaceutical
Fontera-Anlene Powdered Milk
Bukod sa screening, nagbigay din ng libreng Calcium tablets ang RHU sa mga nakatatanda upang masigurong malakas at matibay ang kanilang mga buto. Ito ay bahagi ng patuloy na programa ng RHU upang pangalagaan ang kalusugan ng mga senior citizen ng Angat.









Comments