Lingguhang Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng Municipal Accounting Office
- Angat, Bulacan

- 4 hours ago
- 1 min read

Matagumpay na idinaos ang lingguhang pagtataas ng watawat sa harapan ng Gusaling Pambayan ngayong Lunes, na pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Accounting Office.
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal William Vergel De Dios, Konsehal JP Solis, Konsehal Blem Cruz, at Konsehal Andrew Tigas. Nakiisa rin sa gawaing ito ang mga pwersa ng Angat PNP at Angat BFP, kasama ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at lahat ng kawani ng pamahalaang bayan.








Comments