Pansamantalang Power Interruption, Mararanasan sa Ilang Bahagi ng Angat Ngayong Enero 12
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Naglabas ng advisory ang Pamahalaang Bayan ng Angat at Meralco hinggil sa pansamantalang pagkaputol ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng bayan ngayong Lunes, ika-12 ng Enero, 2026.
Ang nakatakdang power interruption ay bunsod ng isasagawang kritikal na testing at repair works sa loob ng buong Angat 33YT at Sapang Palay 33YO. Ayon sa Meralco, ang aberya sa kuryente ay magaganap sa dalawang yugto:
Unang bugso: Pagitan ng 12:01 AM hanggang 1:00 AM.
Ikalawang bugso: Pagitan ng 7:00 AM hanggang 8:00 AM.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang ilang bahagi ng General Alejo G. Santos Highway, M. Valte Road, Pandi-Angat Road, at Del Monte-Norzagaray Road, na sumasakop sa mga barangay ng Donacion, Laog, Marungko, San Roque, Sta. Cruz, Sto. Cristo, Sulucan, Taboc, Banaban, Baybay, Binagbag, Sta. Lucia, Encanto, at Paltok.
Pinapayuhan ang lahat ng mga residente, lalo na ang mga may negosyo at mahahalagang kagamitang umaasa sa kuryente, na maghanda nang maaga upang maiwasan ang anumang aberya. Agad namang ibabalik ang suplay kapag natapos ang mga kinakailangang pagsasaayos.








Comments