Municipal Health Office, Humakot ng Parangal sa Gawad Galing Kalusugan 2025; RHU-Angat, Hinirang na 1st Place Outstanding Rural Health Unit
- Angat, Bulacan

- 59 minutes ago
- 1 min read

Muling pinatunayan ng Bayan ng Angat ang kahusayan nito sa larangan ng serbisyong medikal matapos humakot ng iba’t ibang parangal ang Angat Municipal Health Office (MHO) sa ginanap na Gawad Galing Kalusugan 2025 ng Lalawigan ng Bulacan.
Pinangunahan ng Angat MHO ang listahan ng mga nagwagi matapos nitong masungkit ang 1st Place bilang Outstanding Rural Health Unit sa buong lalawigan.
Bukod sa kolektibong tagumpay ng tanggapan, kinilala rin ang indibidwal na galing ng mga sumusunod na kawani:
Dra. Emma Bartolome – 2nd Place, Outstanding Health Officer
Nurse Roselyn Guanzing – 2nd Place, Outstanding Nurse
Ms. Arlene Payumo – 3rd Place, Outstanding Sanitary Inspector
Ms. Eileen Rowena Fernandez – 4th Place, Outstanding Medical Technologist
Ms. Alice M. Fandiñola – Finalist, Outstanding Rural Midwife
Nagpaabot ng kaniyang mainit na pagbati si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista sa buong pwersa ng MHO. Ayon sa alkalde, ang mga parangal na ito ay patunay ng tapat na malasakit at mataas na kalidad ng serbisyong ibinibigay ng mga health workers para sa bawat Angateño.








Comments