top of page
bg tab.png

Pinagsanib na Pagtugon: Angat LGU at Distrito 6, Nagkaisa sa Relief Operations #UwanPH


ree

Nagsimulang magpamahagi ng relief packs ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamumuno ni Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, sa mga nasalanta ng Bagyong #UwanPH ngayong araw, Nobyembre 10, 2025.


Ang pagbibigay tulong ay isinagawa katuwang ang opisina ng Ika-anim na Distrito ng Bulacan sa pamumuno ni Hon. Salvador Aquino Pleyto, na kinatawan ni District Coordinator George Bautista.


  • Lokal na Pamahalaan ng Angat: Sausage, mga delata, kape, biscuits, at bigas.

  • Ika-anim na Distrito: Food packs at Hygiene kits na naglalaman ng mga sabon at shampoo, sabong panlaba, tsinelas, kumot, women hygiene kit, at iba pa.


Kasama sa pagpapamahagi sina Konsehal William Vergel de Dios at JP Solis, gayundin sina Ikalawang Punong Bayan Arvin Agustin at Municipal Administrator Gia Vergel De Dios, katuwang ang mga opisyal ng barangay.


Binigyan ng tulong ang mga sumusunod na barangay na lubhang naapektuhan ng bagyo: Laog, San Roque, Sto. Cristo, at Marungko.


Bukod sa relief operations, hindi rin huminto ang serbisyo publiko. Kinalinga ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang mga kinakailangang ayusing papeles ng mga nasalanta. Patuloy pa rin ang pagbabantay ng Punong Bayan sa Emergency Operations Center katuwang ang mga response Clusters ng Bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page