Serbisyong Ramdam: Distrito at Lokal na Pamahalaan, Nagkaisa sa Pagtugon sa Bagyong #UwanPH
- Angat, Bulacan

- Nov 10
- 1 min read

Bilang malasakit at mabilis na aksyon, nagtungo si District Coordinator George F. Bautista, kinatawan ni Congressman Salvador Aquino Pleyto (Ama ng ika-anim na Distrito ng Bulacan), sa Bayan ng Angat ngayong araw, Nobyembre 10, 2025, upang alamin ang sitwasyon dulot ng Bagyong #UwanPH.
Ang District Coordinator ay nagtungo sa Emergency Operations Center at Evacuation Center upang makita ang kalagayan.
Kasabay nito, nanatili rin sa Emergency Operations Center at Evacuation Center si Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista upang personal na tutukan ang mga Angateñong lumikas mula sa iba't ibang barangay.
Ang ugnayan na ito sa pagitan ng Lokal na Pamahalang Bayan ng Angat at ng Ika-anim na Distrito ng Bulacan ay nagpapakita ng mabilis at maagap na aksyon para sa kapakanan ng mga mamamayang Angateño.









Comments