top of page
bg tab.png

Abiso ng Barangay Niugan: Pansamantalang Walang Koleksyon ng Basura; Elf Truck, Kasalukuyang Ipinapagawa

Nagbigay ng pabatid ang Sangguniang Barangay ng Niugan sa lahat ng mga residente na pansamantala munang ititigil ang paglalabas ng basura.


Ayon sa anunsyo, ang Elf truck na ginagamit sa pangongolekta ng basura ay kasalukuyang sira at ipinapagawa. Dahil dito, hindi muna maisasagawa ang regular na pangongolekta ng basura.


Humihingi ng pang-unawa at paumanhin ang Sangguniang Barangay sa abalang maidudulot nito.


Pinapayuhan ang mga residente na maghintay sa susunod na anunsyo kung kailan muling magbabalik ang regular na serbisyo.


Nagpasalamat ang Barangay sa pakikipagtulungan at disiplina ng mga kabarangay sa panahong ito.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page