Lingguhang Flag Raising Ceremony sa Angat, Pinangunahan ng MEO
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang linggo nang may pagkakaisa sa isinagawang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Engineering Office (MEO) ngayong umaga.

Nakiisa sa nasabing seremonya sina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin Agustin, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal JP Solis, Konsehal Blem Cruz, at Konsehal Andrew Tigas. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Angat PNP at Angat BFP, mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan, at ang buong puwersa ng mga kawani ng munisipyo.
Isang mahalagang bahagi ng programa ang mainit na pagtanggap at pagpapakilala sa bagong Election Officer ng bayan na si Sir Eugene Sernicula. Sa kanyang mensahe, nagbahagi si Sernicula ng mga mahahalagang impormasyon at paalala para sa mga kawani at mamamayan kaugnay ng mga paghahanda para sa paparating na Barangay Elections.









Comments