top of page
bg tab.png

Angat, Isinagawa ang Pagsasanay sa Pamamahala ng mga Programang Pangnutrisyon

2 days ago
1 min read

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang isang tatlong araw na Nutrition Program Management Training mula Oktubre 6 hanggang 8, 2026, sa Municipal Conference Room upang palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga lokal na pinuno sa pamumuno, pagpaplano, at pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa bayan.


Pinangunahan ang pagsasanay ni Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) Jessica Villarama, katuwang si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama ang mga Punong Barangay, mga Chairperson ng Committee on Health, mga miyembro ng Municipal Nutrition Council, mga Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), at mga kawani ng MNAO.



Nagsilbing mga opisyal na resource speaker sa tatlong araw na pagsasanay sina Ms. Celestine Joy L. Membere, RND (Nutritionist-Dietitian II ng Provincial DOH Office – Bulacan), Ms. Marialyn D. Francisco (Nutrition Staff ng Provincial DSWD Office – Bulacan), at Mr. John Paolo S. Garcia (OIC-CAO IV ng Provincial DSWD Office – Bulacan).


Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy na isinusulong ng Angat ang pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan upang matiyak ang mas maayos na pagpaplano at episyenteng paghahatid ng mga serbisyong pangnutrisyon para sa kapakinabangan ng bawat Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page